Header Ads

Walang nerbiyos na naramdaman ang binasagang alyas “Kape” ng masakote ito ng mga pulisya

Alam naman natin ang droga ay nakakasama sa ating katawan at lalong lalo na sa lipunan, marami ang nawawasak ang buhay dahil sa masamang epekto nito sa isang pamayanan. Ngunit may ilan pa rin sa ating kababayan ang walang habas ang paggamit nito kahit na alam naman natin ang masamang epekto nito.

Maigting ang kampanya ng ating bansa sa ganitong gawain kaya naman kung makikita natin sa mga telebisyon o social media ang ibang nahuhulihan nito ay halos mangiyak ngiyak at kung makahingi tawad animo’y walang nagawang kasalanan. Ngunit kakaiba ang istorya ng isang lalakeng binasagang alyas Kape.

alyas kape

Tubong Cebu ang 37-anyos na si Elmer Alfonso Camia, na kilala sa tawag na Kape. Naging usap-usapan ang pagkakasakote ni Kape nang mahulihan ito ng 100 gramo ng hinihinalang ipinagbabawal na gamot na may halagang P680 libong piso .  Tila nakitaan ito ng walang kagatol gatol na itsura habang nasakote ng ating operatiba.

alyas kape

Sa kuhang larawan makikita na masaya pa ata ito sa kanyang napalang pagkakatiklo kaya naman ang mga netizen ay todo ang komento sa naging asal ni alyas Kape. Nakangiti at wala halos kabang nararamdaman ang nasabing suspek, marahil may sarili siyang dahilan kaya ganyan ang kanyang tinuran sa kanyang pagkakasakote.

alyas kape

Samu’t saring komento naman ang ibinahagi ng mga netizen may ilang natuwa ngunit karaniwan ay nainis sa inasal ng suspek. Kaya naman payo ng mga pulisya iwasan ang ganitong bisyo o gawain upang sa huli ay hindi pagsisihan ang mga maling ginawa.



Walang nerbiyos na naramdaman ang binasagang alyas “Kape” ng masakote ito ng mga pulisya
Source: Reporters View PH

No comments

Powered by Blogger.