Santo at mga imahen, hindi man lamang naabo matapos ang malalang sunog na naganap
Sa ating mga Filipino normal na ang pagiging relihiyoso, paniniwala sa mga pamahiin at himala. Bukod pa nga sa mga santo na gawang kahoy na kung minsan nagiging sanhi pa ng hindi pagkakaunawaan ng iba’t ibang grupo ng relihiyon sa ating bansa.
Ang mga nabanggit na ito ay wala namang masama bagkus nasa ating sarili pa rin naman at puso kung ano ang nilalalman nito. May iba pa nga na ang katwiran ay basta ang nasa puso at isipian nila ay iisa lamang ang Diyos na lumikha sa ating lahat.
Ang isang pangyayaring tulad nito ay itinuturing na Milagro ng isang pamilya mula sa Iloilo. Ayon kay Pao Paginado Dehan ng Passi City, ng nasabing lugar halos matupok at maabo ang kanilang tahanan sa sunog naganap ngunit laking gulat nila sa nakita matapos ang hindi magandang pangyayari.
Tila hindi naapektuhan ang mga santo sa loob ng bahat at nanatiling buo ang mga ito, samantala ang loob ng bahay ay malaki ang pinsala ng pagkakasunog. Sa kuhang larawan makikita kung gaano kalaki ang danyos ng nasabing insidente pero makikita rin sa paligid ang mga santo at isang krus sa dingding na tila walang bakas ng pagkakasunog.
Himala o milagro nga itong maituturing para sa ilan lalo na sa mga deboto ng mga nasabing santo ngunit sa iba ito ay nagkataon lamang at sadyang may pagkakataon na nangyayari ang mga ganitong bagay. Samantala ayon sa awtoridad ang naging sanhi ng insidente ay ang isyu sa electrical connection.
Bawat tao ay may kanya kanyang paniniwala at opinyon, maging mapanuri at maunawain sa mga ganitong talakayan lalo na kung sa usapang relihiyon na madalas nauuwi sa hindi magandang pagtatalo. Respetuhin natin ang bawat isa upang magkaroon ng maayos at magandang samahan ang ating pamayanan.
Santo at mga imahen, hindi man lamang naabo matapos ang malalang sunog na naganap
Source: Reporters View PH
No comments