Header Ads

19-anyos na tindera matapang pinalagan ang nanloob sa kanyang pinapasukang burger stand

Napapanahon na naman ang nagkalat na masasamang loob sa ating lipunan, tila ba parang nagsulputang kabute ang mga ito na walang habas sa paggawa ng kalokohan sa kapwa. Karaniwan sa mga ito ginagawang dahilan ang kahirapan samantalang maaari naman magtrabaho ang mga ito upang kumita ng marangal.

Sa lugar ng Baguio may isang real life darna nang palagan nito ang nanloob sa kanyang pinapasukang burger stand. Si Erika Perez isang 19-anyos na dalaga ay walang atubiling nilabanan ang lalaking may bitbit na baril nang pasukin nito ang kanyang binabantayang tindahan.

Kuha sa video ang pag-aligid ng isang lalaking nakahelmet na tila ba nagmamasid ng bigla na lang itong sumampa sa loob ng tindahan at walang anu-anong pilit kinukuha ang pinagbentahan sa kaha. Ngunit habang nagaganap ang ganung eksena matapang naman na kinukuha ni Erika ang nasabing bitbit na baril na kalaunan ay napag-alaman na isa pa lang toy gun.

Marami ang humanga sa katapangan ng dalaga ngunit may ila din naman nangamba sa maaaring kahinatnan nito kung sakaling nag-iba ang ihip ng sitwasyon. Napag-alaman pa na notoryos pala sa paggawa ng hindi maganda ang lalaking nanloob, ito ay batay sa profiling na ginawa ng mga pulisya matapos masakote ang suspek.

Samantala ayon sa pahayag ni Erika kaya naman niya nagawa ang bagay na iyon ay dahil sa adrenaline rush; “Siguro adrenaline rush din po, tsaka iniisip ko eh hindi naman po doon matatapos ‘yung buhay ko kung hahayaan ko lang siya sa kung anong gawin niya” Dagdag pa rin niya na ito ang kauna-unahang tindahan ang tumanggap sa kanya upang magkatrabaho.

Kasabay ng pagkabilib ng mga netizen umani di ng papuri ang dalaga sa mga ito, marahil na rin sa panahon ngayon bihira ang gagawa ng tulad ng kanyang nagawa. Ang maagaw mo ang baril at mahuli ang suspek sa pagbuwis ng sariling kaligtasan ay hindi biro.  via: Baguio City Police



19-anyos na tindera matapang pinalagan ang nanloob sa kanyang pinapasukang burger stand
Source: Reporters View PH

No comments

Powered by Blogger.