Ginang naglalabandera kapalit ng gatas,biscuit at diaper para sa kanyang mga musmos na anak
Aminin man natin ang ang kapalaran ng tao ay sadyang hindi pantay-pantay may ipinanganak na mahirap o salat sa yaman at mayoon naman sadyang may marangyang pamumuhay. Sa panahon ngayon kung hindi ka magsusumikap ay mapagiiwanan kang dilat at walang mararating sa buhay. Kung hindi ka kikilos at walang diskarteng gagawin hindi ka makakain ng tatlong beses sa isang araw, ganito ang sambit ng iilan nating kababayan.
Sabagay kung ating titingnan may pinupunto naman talaga ang mga katagang ito,. Napakamahal na ngayon ng bilihin ang sahod ng ordinaryong empleyado ay hindi na sasapat sa pang-araw araw na gastusin, samahan pa ito ng pagtaas ng pamasahe at traffic na siyang nakakapagbigay yamot sa atin. Ngunit ganunpaman sikapin natin na tingnan ang mas magandang pananaw sa buhay, pasalamat pa rin at may trabaho, kung tutuusin ay mas mainam pa rin ang may trabaho kesa wala.
Tulad na lamang ng kalagayan ni Reyhan Rabanes Arip, isang raketerang ginang na pilit humahanap ng paraan para mabigyan ng makakain sa pang-araw araw ang kanyang mga maliliit na anak. Ayon kay Reyhan mas pipiliin niyang mag-alok ng serbisyong paglalaba sa social media kaysa makipagtsimisan o maging marites ng barangay.
Sa kanyang facebook post, iniaalok niya ang paglalaba kapalit ng diaper, biscuit o gatas na bilang bayad sa kanya. Ang nasabing post ay umagaw ng atensyon sa mga netizen na siyang nagbigay daan upang magbigyan ng tulong ang ginang. Dinagsa ng tulong si Reyhan at mga magagandang papuri na siyang naging inspirasyon sa iilan nating kababayan.
Ito ang nakasaad sa kanyng socmed post;
“ohh cno magpalaba nasa sanroque ako bukas baka gusto nyo mag palaba kapalit lang diaper at biscuits mg junakis ko or gatas”
“mag sidelinemuna ako Dm lang sa gusto magpalaba paunhan nalang..” saad ni Reyhan sa naturang post.
“ayoko tumanganga nalang kaya sideline nalang kasama ko mga junakis ko”
Sa ngayon labis ang pasasalamat ni Reyhan sa mga taong nagpaabot ng tulong sa kanya, hindi man nito maisa-isa ang pagpapasalamat. Ngunit sa puso niya taos at lubos ang pagpapasalamat niya sa lahat ng tumulong.
Ginang naglalabandera kapalit ng gatas,biscuit at diaper para sa kanyang mga musmos na anak
Source: Reporters View PH
No comments