Header Ads

Mag-asawang Sekyu hindi sumuko, ngayon ganap ng lisensyadong mga guro

Tunay nga naman kapag may tyaga, may nilaga,. Marahil isa ito sa matagal ng kasabihan na mdalas nating naririnig lalo na sa ating mga nakakatanda. Subok na ang katagang ito lalo na sa mga taong tunay na inaaksyunan ang ganitong salawikain.

Larawan mula kay Reyner Bahulluk

Ito rin marahil ang formula gumana sa mag-asawang sekyu, ang makapasa lamang sa anumang uri ng pagsusulit ay ibang kasiyahan ang naidudulot sa atin. Ano pa kaya sa bagay na pinaghirapan mo at matagal mo nang inaasam-asam. Sa mga nag-aral ng edukasyon kinakailangan nilang makapasa sa pagsusulit na LET o Licensure Examination for Teachers upang makapagturo.

Larawan mula kay Reyner Bahulluk
Larawan mula kay Reyner Bahulluk

Sa istorya ng mag-asawang sekyu na matagal nagtyaga upang maging isang ganap ng guro ay tunay nga nakakahanga at nakakabilid lalo pa’t sila ay todo kayod bilang sekyu. Ang mag-asawang Reyner Bahulluk at Norhima Sular ay security guard sa isang kompanya, na kung saan sa tuwing tapos na ang kanilang duty ay tuloy naman ang mga ito sa pagrereview ng kanilang licensure exam.

Larawan mula kay Reyner Bahulluk
Larawan mula kay Reyner Bahulluk

Si Reyner ay nakailang ulit bago makamit ang inaasam-asam na lisensya ngayong taon, samantalang ang kanyang asawa na si Norhima ay nakadalawang ulit bago nakapasa noong taong 2019. Alam naman natin na gaano kahirap ang maging isang security guard, nasa delikado rin ang buhay ng trabahong ito ngunit ito ay pinagtyagaan ng mag-asawa habang hindi pa sila noon nakakapasa sa kanilang pagsusulit.

Sa ngayon hindi na lamang mga gamit o bag ang kanilang bibigyang pansin upang i-check ang mga ito, pati na rin ang mga pagsusulit ng mga batang kanilang tinuturuan. Sa ngayon naghihintay lamang ang mister ni Norhima ng panunumpa nito at kalaunan ay magtuturo na rin ito. Samantala malaki ang pasasalamat nila sa kanilang kompanyang pinapasukan marahil kung wala din siguro sa nasabing kompanya mas mahihirapan ang mga ito makamit ang kanilang pangarap.



Mag-asawang Sekyu hindi sumuko, ngayon ganap ng lisensyadong mga guro
Source: Reporters View PH

No comments

Powered by Blogger.