Sanggol na inabandona sa basurahan, ngayon isa ng Milyonaryo
Hindi talaga natin masasabi ang kapalaran kung minsan nasa taas, minsan ay nasa ibaba. Laging may dalawang mukha ang mundo kung malungkot ka ngayon bukas ay masaya ka naman, kung pinagdadaanan ka ngayon sa mga susunod naman na araw ay maalwan na ang iyong pakiramdam.
Masaklap, masalimuot at mapang-api ang dinaranas ng ilan sa mundong ating ginagalawan ngunit ganunpaman may mga bagay din tayong dapat ipagpasalamat. Tulad ng naranasan noon ni Fredie Figgers siya ay natagpuan lamang sa basurahan ng kanyang mga itinuturing na magulang sa kasalukuyan. Pagkasilang pa lamang sa kanya agad na siyang inabandona at iniwan sa nasabing masukal at maruming basurahan.
Swerte din naman ni Fredie sa mga magulang na umampon sa kanya, habang lumalaki si Fredie nakitaan na ito ng potensyal ng kanyang ama ng kakaibang talino. Kaya naman naglaon binilhan siya ng kanyang ama ng computer sa kadahilanan na nais ng kanyang ama na malayo ito sa gulo at malibang na lamang sa computer. Ngunit hindi ganun ang naging tagpo imbes paglaruan ni Fredie ang computer mas pinili nitong baklasin at buuin paulit ulit hanggan sa makabisado nito ang bawat pyesa.
Noong mag edad 13 si Fredie sinubukan nitong pumasok sa isang kompanya kung saan ang ginagawa dito ay mag kumpuni ng mga sirang computer. At sa edad na 15-anyos nakapagpatayo na siya ng sarili niyang computer repair company. Dahil nga mahilig mangalikot, nakagawa si Fredie ng isang gadget na makakatulong para sa kanyang amang maysakit na Alzheimer at kalaunan ito ng ang GPS Tracker na maaaring ilagay sa sapatos.
Sa pamamagitan ng kanyang nagawang device nalalaman ni Fredie kung nasaan ang kanyang ama at sa pamamagitan nito kanya pa itong nakakausap. “I created a device that I could insert in his shoe that would allow me to track him, plus talk to him through his shoe.”
“It was difficult to watch him decline — it’s something you never forget.”
“I’ve always been so grateful to him and my mom. They taught me not to let my circumstances define who I was.”
Malayo na ang narating ng batang napulot lamang sa basurahan, dahil sa pagmamahal na ibinigay sa kanya ng mga taong tinuring siyang tunay na anak naging matagumpay sa buhay si Fredie.
Sa ngayon sa edad na 33 ay mayroon na siyang kilalang kompanya na pinangalanang Figgers Wireless kung saan bumebenta ang mga gadget nito ng milyong dolyares.
Bukod pa diyan si Fredie ay maroon na ring isang charitable foundation na tinawag na Figgers Foundation. Halos lahat ay hinango nya sa apelyido ng umampon sa kanyan marahil upang kahit papaano makabawi ito sa mga sakripisyo at pagmamahal na ibinigay sa kanya.
Sanggol na inabandona sa basurahan, ngayon isa ng Milyonaryo
Source: Reporters View PH
No comments