Street sweeper at farmer parehong nanalo ng mahigit isang daang milyon sa lotto
Kita mo nga naman kapag tinamaan ng swerte, kung para sa’yo talaga mapapasa-iyo ngunit kung hindi naman may ibang plano ang Diyos sa bawat isa sa atin. Kaya naman hindi akalain ng isang street sweeper mula Malabon at isang magsasaka mula naman sa probinsya ng Quezon na tatamaan sila ng swerte at mapagwagian ang tumataginting na mahigit tig isang daang milyong piso.
Tago ang kanilang pagkakakilanlan ng ilathala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang kumubra ng milyones, ayon na rin ito sa polisiya ng ahensya upang maprotektahan ang kanilang pagkatao. Ang ginang na street sweeper ay nanalo ng P103,269,281.60 sa Mega Lotto 6/45 sa ginanap na draw noong Hunyo 17, ang kanyang kombinasyon ay 10-12-02-27-03-18. Samantala ang 29-anyos na lalaking magsasaka mula General Luna, Quezon kinubra ang kanyang panalo mula sa Ultra Lotto 6/58 jackpot prize na P100,064,568.00 na may kombinasyong numero na 20-22-09-54-06-19 na binola noong Mayo 24.
Sambit pa ng ginang ng kanyang unang malaman; “Una po, akala ko lima lang ang aking tinamaan, inulit kong tingnan kinabukasan at doon ko nakita lahat pala ng numero ay tinamaan ko” Sa ngayon plano nito na paghati-hatian ang pera sa apat nitong anak at bahagian ang kanyang mga kapatid pati na rin makapagbigay donasyon sa simbahan. Balak din ng ginang na bumili ng bahay dahil sa mahabang panahon sila ay nangungupahan lamang.
Dagdag pa niya; “Hanggang ngayon po, hindi ako makapaniwala, umiyak po ako ng sobra-sobra .Salamat sa taas at salamat sa PCSO” Samantala ang magsasaka mula Quezon ay nasambit lamang ito; “Ang swerte minsan, hindi natin aakalain kung kailan darating. Ang tanging magagawa na lang natin ay patuloy na sumubok at maniwala. Patuloy lang tayong manalig sa Panginoon”. Ang plano naman niya sa perang napanalunan ay ilagay sa banko, magnegosyo, kumuha ng life insurance at gamitin sa pag-aaral ng kanyang mga anak.
May paalala din ang ahensya sa mga masugid na mananaya nito, na iwasan ang hindi maclaim ang kanilang nanalong ticket isang taon matapos ang draw nito kung ayaw nilang mawalan ng saysay ang kanilang napagwagian. Huwag din kalimutan na lagyan ng pangalan na may kalakip na pirma sa likod ang winning ticket, kasama ang isang government ID upang maberipika ng PCSO.
Dagdag pa ng ahensya na ang panalong lagpas sa sampung libo ay may kaakibat na 20 porsyentong buwis ayon sa na Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.
Street sweeper at farmer parehong nanalo ng mahigit isang daang milyon sa lotto
Source: Reporters View PH
No comments