Header Ads

Fishball Vendor pinatunayan na kaya niyang magkaroon ng sariling sariling Dream House

Basta may pangarap ka sa buhay samahan ng sikap, tamang diskarte at pananalangin tiyak makakamit mo ito. Anuman ang maging katayuan mo walang imposibleng pangarap na hindi kanyang marating, kilusan mo lamang ang mga ito. Hindi sapat na dukha ka wala ka nang karapatan umangat sa buhay, ito isang maling paniniwala ng karamihan kaya naman nanatili na lamang sila kung nasaan sila.

Larawan mula kay Michael Gripal Relucio | Facebook

Marahil ang ilan ay nag-iisip ng madaliang resulta sa kanilang ginagawa kaya naman madaling sumuko, makitaan lamang ng kaunting problema agad ng binibitawan ang pangarap sa buhay. Dapat tuloy lamang tayo at huwag bibitiw sa anumang pagsubok na tahakin, tiyak kapag ginawa mo ito maiiyak ka sa resultang ipagkakaloob sa iyo ng Diyos.

Larawan mula kay Michael Gripal Relucio | Facebook
Larawan mula kay Michael Gripal Relucio | Facebook
Larawan mula kay Michael Gripal Relucio | Facebook

Tulad na lamang ng isang Fishball Vendor na si Michael Gripal Relucio, bagaman ang naging hanap buhay niya ay simple at kumikita lamang ng sapat hindi niya pinakawalan ang kanyang pangarap na balang araw makakamit niya rin ang mga ito. Kaya naman masaya niyang inilahad sa socmed ang kanyang naatikhang pangarap sambit niya sa kanyang post; “Isa po akong fishball vendor..nagbunga po ang aking pinaghirapan konti nlang po matatapos na,”

Larawan mula kay Michael Gripal Relucio | Facebook
Larawan mula kay Michael Gripal Relucio | Facebook

Sa panahon ngayon hindi na rin biro ang magagastos sa pagpapagawa ng bahay sa mahal ba naman ng materyales na kakailanganin mo dito. Ngunit si Michael ay nagtyagang mag-ipon ng ilang taon, nakatulong na din ang hindi niya pagbibisyo kung saan mas nakakadagdag pa ito sa ipon niya.
“Umabot din po ng mahigit 500k..hindi po masyadong finish sir medjo maliit po space, 2 bedroom po sa taas 17x26po laki,” – sambit ni Michael sa isang komento.

Larawan mula kay Michael Gripal Relucio | Facebook

Dahil nga sa karanasang ito ng isang fishball vendor marami ang humanga at nagising sa katotohanan na hindi pala dapat mawalan ng pag-asa dapat ay magpatuloy lamang lumaban sa hamon ng ating buhay.



Fishball Vendor pinatunayan na kaya niyang magkaroon ng sariling sariling Dream House
Source: Reporters View PH

No comments

Powered by Blogger.