Naglahong pangarap na bahay ng isang ama supresang tinupad ng kanyang anak
Bukod sa pagkain sa araw-araw, isa sa pinakaimportanteng pangangailangan natin ay ang bahay na masisilungan. Halos lahat naman tayo ay naghahangad ng magandang bahay ngunit kung minsan kung ano lamang ang makakaya ay iyon lamang ang ating pagtyatyagan, lalo na kung tayo ay mayroon ng pamilya mas iniisip natin ang magkaroon ng masisilungan ang ating mga supling.
Ngunit kakaiba ang naging kwento ng isang Property specialist na si Randy N. Oliverio, dahil siya mismo ang tumupad sa pangarap ng kanyang ama na magkaroon ng maayos na bahay. Kwento ni Randy naging saksi siya sa plano ng kanyang ama na magkaroon ng 2-storey house kung saan nakikita niya ito na iginuguhit ng kanyang ama. Bata pa lamang siya namulat na siya sa kanilang bahay na sa tuwing umuulan ay may tagas at tumutulong tubig mula sa kanilang bubungan.
Sa mga tagas na iyon ang nagiging sanhi ng pagpuno ng tubig sa loob ng kanlang bahay kaya naman ipinangako niya sa kanyang sarili na sa pagdating ng panahon kung siya ay magkakaroon ng trabaho, siya mismo ang tutupad sa pinapangarap ng kanyang ama na magkaroon ng maayos na magkabahay. Sa paglipas ng panahon kung saan may sapat na ipon na si Randy at kaya na nitong tuparin ang pangarap na bahay ng ama, marami sa kanyang katrabho ang tumutol kesyo malayo ito sa kabihasnan at wala siyang mapapala sa bahay na kanyang itatayo. Mas mainam na ipang negosyo na lamang daw niya ang gagastuhing pera.
Ngunit buo ang desisyon ni Randy na tuparin ang 2 storey dream house ng kanyang ama, di naglaon ay natupad nga ito ng binata. Umani ng papuri ang isang anak dahil sa pagbuo nito ng naglahong pangarap ng ama at supresa niya itong tinupad upang mabigyan niya ng kasiyahan ang ama na matagal ng ngarap para magkaroon ng magarang bahay para sa kanyang mga anak.
Sa ngayon hindi na makakaranas ng tulo ng ulan sa loob ng kanilang bahay, mahimbing na ang kanilang pagtulog kahit umulan man ng malakas. Siguradong buhos ang biyaya sa katulad ni Randy, bilang anak ang masuklian ang sakripisyo ng ating mga magulang ay isa ng yaman para sa kanila. Maging mabuti kang anak sa lahat ng pagkakataon dahil hindi natin kung hanggang saan lamang ang buhay ng ating mga magulang kaya habang buhay pa ang mga ito ay ipakita natin ang pagmmahal natin sa kanila.
Naglahong pangarap na bahay ng isang ama supresang tinupad ng kanyang anak
Source: Reporters View PH
No comments