Ama bitbit ang panindang Chicharon sa paaralan habang pumapasok, Nagtapos sa edad na 41-anyos
Hindi maikakaila sa panahon ngayon ay sadyang napakahirap ng buhay lalo pa nga wala kang pinag-aralan at namulat na lamang na dukha. Kung may pangarap ka naman at hindi mo ito kinilusan walang mangyayari dito, mananatiling isang pangarap na lamang ito.
Kaya naman isang isang ama mula sa Barangay Labangon, Cebu City ang nagiskap uang makamit ang kanyang pangarap hindi lamang sa kanyang sarili ngunit para na rin sa kanyang pamilya. Si Jesus Fuentes, tindero ng chicharon aminadong bata pa lamang ay mulat na sa hirap na kanyang naranasan. Nagtapos si Jesus ng High School sa edad na 22-anyos, ngunit ang kanyang kagustuhan na maipagpatuloy ang kolehiyo ay hindi nangyari.
Dahil na rin sa ito sa kanyang pag-aasawa matapos ang high school ngunit lumipas ang panahon hindi nawala sa isipan ni Jesus na balang araw makakapagtapos din ito sa kursong kanyang pinapangarap. Nang muling magkaroon ng pagkakataon sumubok muli si Jesus kahit na siya ay may pamilya pinursige niyang makatungtong sa kolehiyo.
Noong una tutol sa kanyang plano ang kanyang may bahay madalas nila itong mapagtalunan nung mga unang taon ng kanyang pag-aaral. Ayon kay Jesus hindi naman para lamang sa kanya ito kung hindi para sa lahat. Sa kanyang hirap na naranasan mula ng kamusmusan hindi na nagpatinag pa si Jesus kaya naman habang naglalako at patungo sa kanyang paalaran ay bibit na umano niya ang kanyang mga paninda. Habang nasa paaralan naman siya ay may nakatoka na sa kada kurso para sa kanyang paninda kung saan matapos ang klase saka nito kokolektahin ang perang napagbilhan.
Sa awa ng Diyos dumating ang araw ng pagtatapos ni Jesus sa kursong Bachelor of Elementary Education mula sa Talisay City College. “Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtatapos ng isang tao. Pagsumikapan lang ang pangarap dahil kung nagpupursige ka isang bagay ay maabot mo din ito dahil hindi ka pababayaan ng Panginoon. Lagi lang siyang nakatingin sa mga ginagawa mo, basta gumawa ka lang ng kabutihan, ibibigay niya ito sa’yo,” – anya.
Binalikan ni Jesus ang kanyang napagdaanan, ang pagkakatira nilang pamilya sa tagpi-tagping bahay at ang kanyang pagtitinda ng chicharon kasabay ng pag-aaral. Sa ngayon laking pasasalamat ni Mang Jesus sa kanyang mga suki at professor na umunawa at pinayagan siya sa kanyang paalaran na makapagtinda.
source: Mang Jesus | Facebook
Ama bitbit ang panindang Chicharon sa paaralan habang pumapasok, Nagtapos sa edad na 41-anyos
Source: Reporters View PH
No comments