Header Ads

Sakripisyo ng isang ina kinaantigan ng mga netizen P200 sahod sa loob ng 12-oras na trabaho

Iba talaga ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang ina, gagawin nito ang lahat para maitaguyod ang pamilya lalo na kung isa itong single mom. Kaya ang post ni Miranda Ramos sa kanyang socmed account ay umagaw pansin ang isang matandang single mom na sa edad 52-anyos ay patuloy pa rin ang pagtratrabaho kahit na ito ay isang PWD.

Larawan mula kay Miranda Ramos

Ang tindera sa isang burger stand ay si Aling Agnes Perez 52-anyos na PWD gawa ng kanyang cleft pallet at taga Mexico Pampanga. Mayroon siyang tatlong anak at hiwalay na sa asawa. Ayon sa kwento ni Miranda, galing sila noon sa isang hospital ng maisipan bumili sa isang convinience store ngunit sa hindi inaasahang pangyayari sa isang burger stand ang mga ito napadpad at doon nga nila nakilala si Aling Agnes.

Larawan mula kay Miranda Ramos

Sa madaling salita kaunting kwentuhan kay ateng tindera hanggang sa maitanong nila kung magkano ang sinasahod nito, laking gulat ng grupo nila Miranda ng malaman ang sahod nito ay nasa P200 lamang at sa loob ito ng 12-oras na pagtratrabaho. Ang tirahan pa ng nasabing tindera ay sa Mexico, na siyang gumagasta ng pamasahe na 80 pesos kada araw dagdagan mo pa ito ng pagkain. Sa puntong iyon nakakapanlumo naman talaga ngunit ng tanungin nila Mira kung bakit hindi na lamang siya maghanap ng trabaho. Mariin nitong sinabi na nahihiya siya sa ibang tao baka hindi maunawaan ang kanyang sinasabi dahil nga sa kanyang kondisyon.

Larawan mula kay Miranda Ramos

Bukod pa diyan masyado na siyang matanda para sa ibang trabaho, kaya naman naisipan ng grupo ni Miranda na ipanawagan ito sa social media upang may makapansin at kahit papaano ay mabigyan ng tulong. Dagdag pa ni Mira si Aling Agnes ay may experience na rin sa pag-aalaga ng mga matatanda, ayon dito minsan na rin naman siyang nakapag-alaga ng 89-anyos na matanda sa loob ng 8 taon.

Larawan mula kay Miranda Ramos

Kaya naman sa panghuli inabutan ng grupo ni Mira si Aling Agnes ng kauting tip upang kahit papaano ay makatulong. Update sa post ni Mira, may mga update na at marami na rin ang nagpahatid na kababayan natin na handang tumulong sa matanda. Sana makahanap siya ng nararapat na pasahod sa mga susunod niyang trabaho.



Sakripisyo ng isang ina kinaantigan ng mga netizen P200 sahod sa loob ng 12-oras na trabaho
Source: Reporters View PH

No comments

Powered by Blogger.